I’m Tired

I’m tired of life. I’m tired of waiting. I’m tired of myself. And i’m tired of EVERYTHING. 

Para kasing paulit-ulit lang yung mga nangyayari. Maghahanap ako ng trabaho then after two weeks mag-reresign. I don’t know why? I don’t know exactly kung anu ba talaga ang gusto ko. When I’m still on college, I keep on telling to myself na gusto kong maging katulad ng dikong ko. Maging isang magaling na graphic artist. I really admire my brother. Everything he do is perfect. Dun ko siguro nakuha yung idea na maging career ang pagiging graphic artist.

Naging data encoder ako sa Metro, ok yung sahod at benefits. Kaya naka-five months naman ako dun at tinapos ang contract. Halos four months din akong nabakante after nun, at naging busy sa DYD (Diocesan Youth Day). After ng mahaba-habang bakasyon, lumuwas ulit ako ng Manila para mag-apply. At swerte, kasi first day pa lang natanggap na ko. Ang position? Yeah! Graphic artist! 

Ang saya-saya ko nun, sabi ko sa sarili ko. Eto na yung hinihintay kong chance para may mapatunayan sa iba. Hanggang sa dumating sa point na parang nawawalan na ko ng gana. Hindi ko alam kung gusto ko ba talaga yung ginagawa ko. Parang naging worthless na din lahat ng effort. Hindi ko talaga maintindihan.

Tapos ngayon eto, mag-iisang linggo na akong bakasyon. Waah! Ngayon ko lang nalaman, nakakapagod din palang magpahinga. Dear Lord, sana lang po talaga madiscover ko na kung anu ba talaga yung gusto kong gawin sa life ko :|

P.S. Sorry nemen! nawawala kasi yung diary ko, kaya dito ko na lang binuhos :) 

Love

P